Personal na hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gobernador at alkalde ang kanilang tulong para ganap na malabanan ang kampanya kontra droga at kriminalidad sa bansa.
Ang apela ay ginawa ng Pangulong Duterte sa oathtaking ceremony ng mga opisyal ng League of Governors and Mayors na ginanap sa Malakanyang.
Sinabi ng Pangulo na nakita niya ang lawak ng problema sa illegal drugs nang maupo siya sa puwesto dahil lahat ng sangay ng pamahalaan ay mayroong contact ang mga sindikato ng droga.
Aniya, gumagastos din ang mga sindikato sa hudikatura kahit pa sukdulang bilhin at presyuhan ang mga hukom, makalibre lang ang kanilang mga galamay.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi lang basta problema ang illegal na droga kundi maituturing itong drug crisis dahil sa dami ng naapektuhan at mga sumukong drug user.
By: Meann Tanbio