Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng mga bagong pinarangalang “The Outstanding Young Men and Women” para malagpasan ang matinding problema ng bansa sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.
Sa kanyang talumpati sa awarding ceremony sa Malacañang, hinimok ng Pangulo ang mga awardee na gamitin ang kanilang talento at kakayahan para sa pagbangon ng bansa at maisulong ang makabuluhang pagbabago ng Pilipinas.
Sa ganitong paraan, ayon sa Pangulo ay makasisiguro ang mga komunidad at sambayanan ng mas matatag na kinabukasan.
Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang TOYM Awardees na makibahagi sa responsibilidad ng pag-aangat sa bansa para matiyak ang matatag na buhay ng mga susunod na henerasyon.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping