Ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Dutertenomics” sa kanyang pagdalo sa World Economic Forum sa Cambodia ngayong araw.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesrto Abella na sa gagawing pagharap ng Pangulo sa mga negosyante sa world economic forum, ilalahad nito ang development roadmap ng Pilipinas, partikular ang “build build build” na kapapalooban ng major infrastructures sa buong bansa.
Tiwala si Abella na tatangkilikin sa Wef ang Dutertenomics lalo pa’t ang Pilipinas na ang fastest growing economy in Asia.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping