Inimbitahan ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte na bumista sa White House sa Washington D.C.
Ito ang kinumpirma ng White House matapos makausap ni Trump si Duterte sa telepono kagabi.
Ayon sa White House, layon ng pagimbita kay Duterte na pag-usapan ang kahalagahan ng alyansa ng Amerika at Pilipinas na patungo na umano ngayon sa positibong direksyon.
Sinabi pa ng White House na maayos ang naging paguusap ng dalawang lider kung saan tinalakay ang mga problema ng asean kabilang na ang seguridad sa rehiyon sa harap ng naka-ambang banta mula sa North Korea.
Pinag usapan din anya nina Trump at Duterte ang matinding gyera kontra droga sa Pilipinas.
Kung matatandaan, simula nang maupo si Duterte sa Malakanyang sunod-sunod ang naging banat nito sa Amerika, maging kay dating US President Barack Obama.
By: Jonathan Andal