Ipinaaresto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga drayber ng taxi, jeep, bus at iba pang pampublikong sasakyan na naniningil ng sobra sa mga pasahero at hindi nagbibigay ng tamang sukli sa pasahe.
Ayon sa Pangulo, malinaw na ito ay kaso ng estafa o swindling.
Kung nais aniya ng mga drayber ng dagdag kita, dapat magpetisyon ang mga ito sa LTFRB.
Inoobliga rin ng Pangulo ang mga taxi driver na maglagay ng malaking ID sa loob ng sasakyan kung saan nakasulat ang kanilang pangalan at plate number tulad ng ginawa sa Davao City para madaling makita ng mga pasahero.
Samantala, binalaan din ng Pangulo ang mga holdaper na nagpapanggap na taxi driver kung saan bukod sa hinoldap na ay ginagahasa at karaniwang pinapatay ang kanilang mga pasahero.
Aminado ang Punong Ehekutibo na isa ang sektor ng mga trusper sa mga sumuporta sa kanyang kandidatura sa nakalipas na eleksyon, pero hindi dahilan ito para abusuhin at lumabag sa batas.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping