Isa lamang ordinaryong law student si President Rodrigo Duterte
Ayon ito kay dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes, isa sa mga professor ni Duterte sa Law San Beda College of Law nuong 1968 at 1969
Sinabi ni Brillantes na hindi mapapansin sa klase si Duterte lalo pat mayruon itong Visayan accent kapag sumasagot sa recitation
Nakita naman aniya niyang nag improve sa klase si Duterte subalit mas mapapansin pa rin ang galing ng dalawa sa kaniyang mga kaklase na ngayo’y itinalaga nito sa gabinete na sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Justice Secretary Vitaliano Aguirre
Gayunman binigyang diin ni Brillantes na natapos ng diretsong apat na taon sa College of Law si Duterte at nangangahulugan itong may nalalaman ang bagong Pangulo lalo nat recitation ang kanilang sistema rito
Bukod kina Tugade at Aguirre kaklase rin ni Duterte sa Law school sina yumaong Ambassador Roy Senieres at Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes na siyang nagpanumpa kay Duterte
By: Judith Larino