Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang dati at kasalukuyang heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force, inisa-isa ni Pangulong Duterte ang aniya’y mga heneral na nagtaksil sa bayan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Gayunman, nilinaw ng Malacañang na hindi Region 11 kundi Region 2 ang dating destino ni C/Supt. Bernardo Diaz bilang regional director ng PNP.
Kasunod nito, tinupad ng Pangulo ang kanyang naunang pahayag na pangalanan ang sinumang sangkot sa sindikato ng droga kung ayaw ng mga ito na magbitiw o magretiro bago pa man siya maupo sa puwesto.
Hindi naman naitago ng Pangulo ang kanyang galit sa malalang problema ng krimen, droga, katiwalian at human trafficking sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Pangulong Digong di ugaling manghiya
Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya naging ugali na manghiya ng tao sa anumang paraan at sa alinmang pagkakataon.
Inihayag ito ng Pangulo matapos niyang ibunyag ang pangalan ng 5 heneral na aniya’y direktang sangkot sa operayson ng iligal na droga.
Ayon sa Pangulo, napilitan siyang ibunyag ang pangalan ng limang dati at kasalukuyang opisyal ng pulisya dahil sa matinding problema sa law and order sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Binigyang diin pa ng Pangulo na produkto ng narcopolitics ang pagkapanalo ni retired C/Supt. Vicente Loot ng Daanbantayan sa Cebu na isa sa mga pangalan na kaniyang isiniwalat.
Sa harap nito, sinabi ng Pangulo na marami pang pulis na sangkot sa iligal na droga ang haharapin sa mga darating na araw bunsod ng pinaigting na kampanya kontra droga.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal | Aileen Taliping