Pasok ang Pangulong Rodrigo Duterte at May 2016 elections sa Pilipinas sa pinaka pinag usapan sa taong ito sa social networking site na Facebook.
Si Duterte at ang presidential elections ay Ika-5 sa Top 10 na most talked about topics in 2016 ng FB.
Nangunguna naman sa mga pinag usapan sa taong ito ang US Presidential Elections, ikalawa ang Brazilian politics, Ikatlo ang Pokemon Go, Ika-4 ang Black lives matter at ika-6 naman ang Olympics.
Pasok din sa Top 10 ang Brexit, Superbowl, David Bowies at Muhammad Ali.
Ayon sa pamunuan ng Facebook pinagbasehan nila ang frequency o gaano kadalas pinag usapan ang mga nasabing isyu mula January 1 hanggang nitong nakalipas na November 27.
Inilarawan naman ni Facebook founder Mark Zuckerberg ang taong 2016 bilang mahirap na taon sa maraming tao sa buong mundo subalit naniniwala pa rin siyang tuluy tuloy ang ugnayan ng mga ito sa ibat ibang panig ng mundo.
By: Judith Larino