Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Japanese business leaders ang kaniyang isinusulong na independent foreign policy ng Pilipinas.
Sa isinagawang talumpati ng Pangulo sa Philippine Economic Forum sa Japan, sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magbigay ng impresyon sa ibang bansa na hawak ng Amerika ang Pilipinas.
Matagal na panahon aniyang naging koloniya ng Amerika ang Pilipinas at matagal din nitong ginamit ang bansa kapalit ang mga tulong na ipinapanakot sa kaniya.
Kaya naman nanindigan ang Pangulong Duterte na hindi na niya hahayaang tapak-tapakan ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa mata ng international community.
By: Jaymark Dagala