Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Terror Group sa Marawi City sa susunod na tatlong araw.
Sa isang panayam sa Cagayan de Oro, sinabi ng Pangulo na marami nang namamatay sa hanay ng mga terorista kumpara sa tropa ng gobyerno.
Iginiit ng Pangulo na hindi nagkukulang ang gobyerno sa kanilang responsibilidad upang tuluyang tuldukan ang kaguluhan sa Marawi.
Kung walang sinusunod na batas, kaya aniya niyang tapusin ang giyera sa loob lamang ng 24 na oras sa pamamagitan ng pagbomba sa lugar.
Ngunit dahil sibilisado ang Pilipinas, sinisiguro ng Pangulo na hangga’t maaari ay walang maaapektuhan lalo na ang mga sibilyan.
By: Meann Tanbio