Plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang Pilipinas sa sampung paraan.
Ang laban kontra krimen sa pamamagitan ng shoot-to-kill orders para sa mga suspect at ang parusang kamatayan ang isa sa mga nakalista sa plano ng bagong Pangulo.
Plano din ni Pangulong Duterte na pairalin Pederalismo kung saan magkakaroon ng mas malawak na kalayaan at kapangyarihan ang bawat lalawigan na pangasiwaan ang kanilang mga sarili.
Kaugnay nito, intensyon ding wakasan ni Pangulong Duterte ang anumang rebelyon kaya makikipagkasundo ito sa mga komunistang rebelde at sa mga muslim ng Pangulo sa pamamagitan ng mga usapang pangkapayapaan.
Kabilang din sa mga babaguhin ni Pangulong Duterte ang mga sistema sa pagpapamilya, ekonomiya, disiplina, at katiwalian.
Nakahanay din sa mga tutugunan ng bagong Pangulo ang mga isyu ng pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, pamumuhunan ng mga dayuhan, at ang agawan sa teritoryo ng South China Sea.
By: Avee Devierte