Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na may go signal na niya ang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani
Kasunod nito, ipinaliwanag ng Pangulo sa kaniyang pagbisita sa burol ng Apat na nasawing sundalo sa Camp Panacan sa Davao City ang kaniyang posisyon hinggil sa usapin
“Ang batas ang nagsabi sino ang pwedeng ilibing doon sa libingan, Presidents and soldiers huwag na muna yung iba. Marcos, was a President as a matter of fact I voted for him during the president, my father was with him, he was a cabinet member so I voted for him. Marcos was a soldier, sinabi lang naman ng mga kalaban na hindi totoo but they never sabi na hay hindi totoo yang si Marcos peke yan, you know lima, anim, pito, tao magsabi na totoo lumaban talaga yan, pwedeng hindi nakapatay pero he was there to fight for his country ok na sa akin.”pahayag ni pangulong Duterte
Kasunod nito, binalikan ng Pangulo ang mga tumututol sa nasabing hakbang
Magugunitang inihayag ni dating Senador Bongbong Marcos na nakatakdang ilibing ang kaniyang ama sa nasabing libingan sa Setyembre 18.
“Alin dyan sa dalawa mamili kayo, he is qualified to be buried there, kung ayaw ng ibang Pilipino, fine. Wala akong, magdemonstrate kayo go ahead, you can use the streets one month, I will tell the mayor give them permit, ayusin lang ninyo ang traffic all I would need really is people na gusto ninyong magdemonstrate go ahead how many days I’ll give you a month bigyan mo lang konti yung mga tao because you’re right to air your grievance magdemonstrate ka cause it’s your constitutional right but that right is also subject to rights of others not of your liking or sharing your belief.”bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala