Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Internal Revenue o BIR at Bureau Of Customs na unahing habulin ang mga mayayaman at oligarkong umiiwas at hindi nagbabayad ng buwis
Ayon mismo sa Pangulo, sila ang mga nagpapasasa sa mga pribilehiyong ibinibigay sa kanila ng mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan
Nais ng Pangulo na alisin ang Tax Exemptions sa iilang mga negosyante partikular na sa mga mahilig magpalusot ng kanilang mga kargamento papasok at palabas ng bansa
Batay sa natanggap na impormasyon ng Pangulo, 300 Milyong Piso kada araw ang nalulugi sa gubyerno sa mga pumapasok na kargamento dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang mga tiwaling opisyal ng pantalan
Sa huli, binigyang diin ng Pangulo na matutustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa mga pangunahing serbisyo kung maayos lamang ang pangongolekta ng buwis
By: Jaymark Dagala