Nagdeklara ng Unilateral Ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP- NPA- NDF kaugnay ng panahon ng Kapaskuhan.
Sa kanyang pangunguna sa selebrasyon ng ika-81 anibersaryo ng AFP kahapon, sinabi ng Pangulo na resulta ang nasabing deklerasyon ng tigil-putukan ng kanyang konsultasyon sa ilang religious leaders para mawakasan na ang karahasan.
Ayon kay Pangulong Duterte, kahit wala pang deklarasyon ang mga komunista, magsisimula ang ceasefire sa panig ng gobyerno sa bukas, December 23 hanggang Martes, December 27 at December 31, 2016 hanggang January 3, 2017.
Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga miyembro ng NPA na bumaba ngayong kapaskuhan para makauwi sa kani-kanilang mga pamilya at tiniyak nitong walang mangyayaring pag-aresto o opresyon laban sa kanila.
By: Avee Devierte