Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay Donald Trump para sa tinamo nitong tagumpay bilang bagong halal na Presidente ng Estados unidos.
Sinabi ng Pangulo na ang eleksyon sa Amerika ay patunay ng matagal ng tradisyon ng demokratikong sistema sa pamumuhay roon.
Ang two-party system ang nagbigay-kalayaan sa mga Amerikano para sa malayang pagpili base sa plataporma ng partido at hindi lamang sa personalidad.
Sinabi ni Pangulong Duterte na hanhad nito ang tagumpay ni US President Elect Trump sa susunod na 4 na taon bilang Chief Executive at Commander In Chief ng US Military at umaasang makatrabaho para sa enhanced Philippine-US relations na nakabatay sa mutual respect, mutual benefits, at shared commitment sa demokratikong prinsipyo at rule of law.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping