Personal na ininspeksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Urduja partikular na sa mga rehiyon ng Visayas gayundin sa Bicol Region.
Pinangunahan ng Pangulo ang aerial surveillance sa mga lalawigan ng Biliran, mga lalawigan ng Samar gayundin ang Bicol region na naapektuhan ng kalamidad.
Una nang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon na pumalo na sa 31 ang bilang ng mga nasawi habang sumipa naman sa halos 50 naman ang bilang ng mga nawawala.
Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang ayuda para sa mga mangingisda at magsasakang naapektuhan ng bagyo dahil karamihan sa mga ito aniya ay kasisimula pa lamang magtanim.
Inatasan naman ng Pangulo ang iba pang ahensya ng pamahalaan na manatiling naka-alerto dahil sa inaasahang pagpasok ng isa pang bagyo ngayong linggong ito matapos ang pananalasa ng bagyong Urduja.