Nakakuha ng mataas na approval at trust ratings ang Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ng Pulse Asia para sa unang tatlong buwan ng Duterte Administration.
Ayon sa Pulse Asia, 86 percent ng mga respondents ang nagsabing may tiwala sila at aprub o gusto nila ang panunungkulan ng Pangulong Duterte.
Labing isang porsyento naman ang hindi makapagdesisyon samantalang Tatlong porsyento lamang ang nagsabing konti lang ang tiwala nila sa Pangulo.
Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents mula September 25 hanggang October 1.
By: Len Aguirre