Nakatanggap ng tawag si Pangulong Rodrigo Duterte mula kay Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay acting Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, naging mainit ang usapan ng dalawang leader at palitan ng kanilang kuru-kuro hinggil sa regional developments.
Kabilang sa pinag-usapan ni Pangulong Duterte at Xi ang papel ng China sa krisis sa Korean Peninsula.
Tinalakay din ang naging resulta ng 30th Association of Southeast Asian Nations Summit maging ang pagbisita ng tatlong (3) Chinese warship sa Davao City, kamakailan.
Kabilang si Duterte sa mga inimbita ni Xi sa ‘One Belt, One Road’ International Cooperation Summit Forum sa Beijing, ngayong Mayo.
By Drew Nacino / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
*Palace Photo