Nakiusap ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro brothers and sisters na tulungan siya para bumangon ang bansa.
Sa gitna na rin ito ng karahasan ng Maute group partikular sa Butig, Lanao Del Sur.
Inalok ng Pangulo ang muling pagbubukas ng barter trade sa Zamboanga City para maghanap buhay na lamang ang mga rebelde sa halip na humawak ng baril.
Sinabi ng Pangulo na kahit sentimo na lamang ang itatakdang buwis sa barter trade ay payag siya bastat ipangako lamang ng Moro na bukas sila sa mga ipatutupad na reporma ng gobyerno dahil para rin ito sa kanila.
By: Judith Larino