Nanindigan ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maituturing na crime against humanity ang pagdami ng mga napapatay sa gitna ng kampanya kontra ilegal na droga.
Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa ground breaking ceremony ng Cebu – Cordova Link Expressway Project sa Cordova, Cebu, kahapon.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Ayon sa Pangulo, hindi dapat paghaluin ang datos hinggil sa mga nasawi sa lehitimong operasyon ng pamahalaan at ng mga umanoy napapatay na inosenteng tao.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Hinimok din ng Pangulong Duterte ang simbahan na makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng paghikayat sa mga gumagamit at nagtutulak nito na sumuko sa otoridad.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Katrina Valle / Aileen Taliping