Napili si Pangulong Rodrigo Duterte bilang “Man of The Year” ng Yazhou Zhoukan, na Time Magazine ng China.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinirang si Pangulong Duterte bilang “Man of The Year” dahil sa paninindigan nito ng independent foreign policy at pag-distansiya sa Amerika at pakikipaglapit naman sa China.
Pinuri din ang programa at pangangasiwa ng Pangulo sa gobyerno kabilang na ang anti-corruption campaign nito na nagpaangat sa kanyang popularidad sa mga Pilipino.
Ang weekly magazine anya ay may malaking sirkulasyon hindi lamang sa Tsina kundi maging sa Hongkong, Taiwan, Singapore at Malaysia.
Magugunitang nakilala ang Pangulo sa buong mundo dahil sa kampanya nito kontra iligal na droga at matalas na pananalita laban sa Amerika, United Nations at European Union na pumupuna sa mga nagaganap umanong extra-judicial killing.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping