Muling nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdideklara ng batas militar o Martial Law sa kabila ng lumalalang banta ng terorismo at iligal na droga sa bansa.
Ito ang binigyang diin ng Pangulo makaraang magbabala ito na sususpindehin ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus o warrantless arrest upang protektahan ang republika alinsunod sa isinasaad ng saligang batas.
Dahil sa maraming opisyal ang nasasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa, sinabi ng Pangulo na ito lamang ang nakikita niyang paraan at ligal na remedyo para matuldukan ang problema.
Nakasaad sa saligang batas, binibigyang kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na suspindehin ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus na may basbas ng Kongreso kung mayruong malinaw na rebelyon o pananakop.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping