Maituturing umano na sampal sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na pangunguna niya sa online poll ng Time Magazine.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kahit siraan pa si Pangulong Duterte hanggang sa international scene, marami pa rin ang naniniwala at nagtitiwala sa kanya.
Kahit pa, aniya, hindi manguna ang Presidente, malaking bagay na mapabilang sa top ten sa online poll ng Time Magazine dahil iilang buwan pa lamang ito ang Pangulo sa puwesto pero mabilis ang pagsikat sa buong mundo.
Batay sa resulta ng online poll ng Time Magazine, nanatili sa unang puwesto si Pangulong Duterte, sinundan ni Russian President Vladimir Putin, pangatlo si Canadian Prime Minister Justin Trudeau, pang-apat si Pope Francis, at pang-lima si Facebook Founder Mark Zuckerberg.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping