Pinagsisisihan ni Pangulong Duterte ang mga binitiwan nyang salita laban kay US President Barack Obama.
Sa press statement ng Malakanyang, ipinaliwanag ng Pangulo na ang mga media report na le-lek-tyuran sya ni President Obama tungkol sa extrajudicial killings ang pinaghugutan nya ng mga sinabi nya laban sa US President.
Nagpahayag ng kalungkutan si Duterte na nagmistulang personal na atake nya kay President Obama ang sagot nya sa isang tanong ng media tungkol sa nakatakda sana nilang pulong sa Laos.
Binigyang diin ni Duterte na ayaw nyang makipag away sa pinakamakapangyarihang Pangulo sa mundo.
Napag alaman sa Pangulo na tuloy ang bilateral talks nila ni President Obama subalit nagkasundo ang magkabilang panig na gawin ito sa ibang petsa.
By: Len Aguirre