Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang relief operations sa mga nabiktima ng bagyong Nina.
Nagtungo ang Pangulong Duterte sa Provincial Capitol ng Catanduanes para sa ceremonial distribution ng relief goods.
Sinundan naman ito ng pagpunta ng Pangulo sa Provincial Capitol ng Camarines Sur sa bayan ng Pili para mamahagi rin ng relief goods sa mga biktima ng bagyong nina.
Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Energy o DOE na bilisan ang pagsasa-ayos ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Una rito, pinatitiyak ng Presidente kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo na tiyaking mabilis na maibibigay ang tulong sa mga biktima ng kalamidad.
By: Meann Tanbio