Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang bayan sa Visayas dahil sa posibilidad na puntahan ng Maute Terror Group na tumatakas sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na hindi malayong makapasok sa Dumaguete, Dipolog at Cebu ang Maute Terror Group na tumatakas sa Marawi City dahil bantay sarado na ang iba pang lugar sa Mindanao.
Pero nilinaw ng Pangulo na hindi siya magdedeklara ng martial law sa Visayas dahil ang gagawin na lang ay damputin ng mga otoridad ang mga ito kahit walang warrant of arrest dahil galing sila sa Mindanao at ito ay continuing crime.
Sinabi ng Presidente na ang maaaring gawin na lamang ay ipatupad ang suspension of writ of habeas corpus para arestuhin na lamang ang mga Maute Terror group.
By: Aileen Taliping