Pinasusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 24 oras si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at anak nitong si Kerwin dahil sa isyu ng umano’y Drug Trafficking at coddling o pagkakanlong ng mga sangkot sa illegal na droga.
kaugnay nito, ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na iniutos din ng Pangulong Duterte ang “shoot on sight” sa mag-ama sakaling lumaban ang mga ito at malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis na aaresto sa kanila.
Batay sa ulat, 2 bodyguards at 3 empleyado ni Mayor Espinosa ang naaresto sa isang Buy Bust Operation noong Huwebes at nasakote sa mga ito ang P1.9 Milyong halaga ng Shabu.
4 pang kasamahan ng mga naarestong bodyguards ng Alkalde ang nakatakas at nagkanlong umano sa bahay ni Kerwin Espinosa at nag-lock ng gate kaya hindi nakapasok ang mga otoridad.
Ang bahay ni Kerwin ay nasa loob ng compound kung saan nakatira rin ang Alkaldeng ama.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 23) Aileen Taliping