Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang magiging opisyal na tahanan sa Maynila sa panahon ng kaniyang panunungkulan
Ito’y makaraang kumpirmahin ni Presidential Management Staff Secretary Christopher Bong Go na sa Bahay Pangarap piniling manirahan ng Pangulo
Magugunita ang Bahay Pangarap ang nagsilbi ring official residence ni dating Pangulong Noynoy Aquino nang manungkulan ito sa puwesto
Bago ang inagurasyon ng Pangulong Duterte, ininspeksyon na ang Bahay Pangarap ng Transition Team ng bagong Pangulo
Nasa loob lamang ng Presidential Security Group o PSG Compound ang Bahay Pangarap na tawid ilog lamang mula sa palasyo ng Malakaniyang
By: Jaymark Dagala