Pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte sa batikos ng ilang mga kritiko hinggil sa pagdideklara nito ng martial law sa Mindanao.
Ito’y makaraang ihambing ang Pangulo sa yumaong diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos na ginamit umano ang martial law para magpayaman gamit ang pera ng bayan.
Giit ng Pangulo, hindi siya si Marcos at lalong hindi siya atat na ideklara ang martial law para lamang magtagal sa puwesto.
Dalawampu’t tatlong taon na aniya siyang alkalde ng Davao City at kailanman ay hindi siya nagkamal ng pera ng bayan na siyang dahilan kaya’t nakuha niya ang tiwala ng publiko para ihalal bilang Pangulo.
Sa edad aniya nitong 72, iginiit ng Pangulo na wala nang mangyayari kung magkakamal man siya ng pera ng bayan at hindi niya ito hahayaan dahil galit siya sa mga tiwali.
By: Jaymark Dagala
Pres. Duterte pumalag sa ilang mga kritiko dahil sa pagdedeklara ng ML was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882