Tahasang sinabi ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na sunud-sunuran sa China si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ng Pangulo na nagbanta ng giyera si Chinese President Xi Jinping, oras na humango ng langis ang Pilipinas sa reed bank na nasa West Philippine Sea.
Nagtataka si Alejano kung bakit kapag pinupuna ng ibang bansa ang Pilipinas sa isyu ng human rights ay pumapalag ang Pangulo, pero sa bantang giyera ng China ay tila nanahimik ang Presidente.
Giit ng Kongresista, dapat magsampa ang Pilipinas ng diplomatic protest tungkol dito para patunayan na may independent foreign policy ang ating bansa.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal