Tiwala si DFA Secretary Perfecto Yasay na walang sinuman sa gabinete o sa mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontra sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ayon kay Yasay, sinusuportahan ng lahat ang plano ni Pangulong Duterte kabilang na sa usapin ng EDCA.
Samantala, naniniwala rin siyang walang dapat baguhin sa EDCA sa ngayon lalo’t wala naman mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang humihiling ng anumang pagbabago.
Ang EDCA ay ang kasunduang militar ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kasabay nito, binigyang diin din ni Yasay na mananatili ang magandang relasyon ng bansa sa Internaitonal community kabilang na ang Estados Unidos at China.
Nilinaw rin niya na sa mga sandaling ito ay wala pang katiyakan kung hindi ba makadadalo si Pangulong Duterte sa ASEAN Meeting sa Mongolia sa mga susunod na linggo, pero posible aniya itong mangyari.
By: Avee Devierte