Sa ikalawang pagkakataon, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Ito’y dahil hindi pa rin naisusumite sa NBI ang kanilang assessment report kaugnay sa ilang personalidad na binabantayan ng gobyerno.
Ayon kay Duterte, kung hindi kayang gawin ang trabaho ay mas makabubuting lumayas ang mga ito sa kanilang tanggapan.
Tinawag pa ng Pangulo na corrupt ang mga nasa AMLC at mayroon umanong mga pinagsisilbihang mga “masters”.
Mistula aniyang gutom pa ang mga taga-AMLC, subalit tiniyak ni Pangulong Duterte na wawalisin niya ang korapsiyon sa bansa.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping