Umaasa pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na matutuloy ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at mga Rebeldeng Komunista.
Posible, aniya, na nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan ang gobyerno at CPP hinggil sa pananambang ng ilang kasapi ng NPA sa mga miyembro ng Cafgu.
Matatandaang isang Cafgu ang nasawi sa nasabing pananambang noong Miyerkules.
Dahil sa insidenteng iyon, binawi ni Pangulong Duterte ang Unilateral Ceasefire sa mga Rebeldeng Komunista.
Gayunpaman, naniniwala ang Pangulo na mabibigyang-daan ang kapayapaan sa buong bansa kapag itinuloy ang Peace talks.
By: Avee Devierte