Wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Sec. DELFIN Lorenzana, pag – aaralan pa ng pamahalaan ang sitwasyon at aalamin pa din kung kailangan pang bumisita sa lugar ang Pangulo, kasunod ng inilabas na desisyon ng Arbitration Court.
Sinabi ni Lorenzana na maski siya ay wala pa din planong bumisita sa bahagi ng West Philippine Sea.
Kaugnay dito, siniguro ng Malakanyang na magiging mahinahon ang pamahalaan sa mga gagawin nitong hakbang, sa kabila ng pagmamatigas ng China at hindi nito pagkilala sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tinatanggap ng pamahalaan ang ruling ng PCA, at kanilang ipapaubaya sa Solicitor General ang pag – aaral sa inilabas na desisyon.
Sinabi ni Abella na sa ngayon, itutuloy lang nila ang kanilang trabaho.
By: Katrina Valle