Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagbawi sa inisyu nitong Status Quo Ante Order na pumigil sa paghahanda para sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Kasabay ito ng pagbasura nito sa mga petisyon kontra Marcos burial.
Depensa ng Korte Suprema, walang Grave Abuse of Discretion sa utos ni Pangulong Duterte na payagan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng Mga bayani.
Wala rin anitong batas na nagbabawal na mahimlay ang dating Pangulong Marcos doon.
Dagdag pa ng Korte Suprema, taglay ni Marcos ang mga kwalipikasyon sa ilalim ng AFP regulations para malibing sa Libingan ng mga Bayani.
Hindi rin “dishonourably discharged” ang dating Pangulo at hindi nahatulan ng mga krimeng may kinalaman sa moral turpitude.
By: Avee Devierte / Bert Mozo