Naniniwala ang Malakanyang na walang kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang mga bintang ng umano’y dating miyembro ng Davao Death Squad na nagdiriin sa kanya sa extra judicial killings noong alkalde pa lamang ng lungsod.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, inimbestigahan na noon ng commission on human rights si Duterte subalit walang naisampang kaso dahil hindi napatunayan ang mga bintang na summary killings.
Nanawagan naman si Presidential Spokesman Ernesto Abella sa publiko at sa mga Muslim na manatiling kalmado at timbangin ang mga lumalabas na balita sa ngayon.
Batay sa pahayag ni Edgar Matobato, si Pangulong Duterte umano ang nag-utos ng mga pagpatay sa Davao City, pati na ang pagpapasabog sa isang Mosque noong 1993 bilang ganti umano sa pagpapasabog sa Davao Cathedral.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping