Welcome sa china sakaling bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bansa.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, umaasa sila na sa mas lalong madaling panahon ay makabisita si Pangulong Duterte sa Tsina.
Ito, anya, ay sa kabila ng maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ipinaliwanag ni Hua na pinahahalagahan din Tsina ang relasyon nito sa Pilipinas at naniniwalang dapat magkaunawaan upang mapaunlad ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Samantala, sa usapin naman ng posibleng pagpupulong nina Duterte at Chinese President Xi Jinping sa ASEAN meeting sa Laos, inihayag ni hua na naghihintay pa sila ng impormasyon kaugnay nito.
By: Drew Nacino