Muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinibak na si dating DILG Secretary Ismael Sueno.
Sa kanyang talumpati sa Davao Del Norte, sinabi ng Pangulo na noong nagsisilbi pa sa gobyerno si Sueno, nagsinungaling ito matapos matuklasang gumamit ng wangwang o sirena para makaiwas sa matinding trapiko.
Iginiit ng Pangulo na mahigpit niyang ipinagbabawal sa kanyang mga gabinete ang paggamit ng wangwang at ang ‘number 6 plate’.
Matatandaang sinibak ng Pangulo si Sueno dahil sa maanomalyang firetruck deal sa Austrian government.
By: Meann Tanbio