Ipinauubaya na ni incoming president Rodrigo Duterte sa kamay ng New People’s Army ang dinukot nitong hepe ng pulis mula sa Davao Oriental.
Una nang nakiusap si Duterte sa NPA na palayain na ang bihag nitong pulis ngunit bigla namang nagbago ang isip nito.
Ito ay matapos na mapag-alaman ni Duterte na ang pagtangay ng mga rebelde kay Chief Insp. Arnold Olgachen ay may kinalaman sa kanilang iligal na droga.
Dahil dito, pinahintulutan ni Duterte ang NPA na litisin si Olgachen sa revolutionary courts at patawan ito ng sampung taong hard labor.
Sa pahayag ng NPA, nakuhanan nila ng isang pakete ng shabu si Olgachen nang dukutin nila ito nuong 29 dahil dito hinihinalang may kinalaman ang hepe sa pagiging entry point ng bayan ng Governor Generoso sa bentahan ng droga sa buong probinsya.
By: Rianne Briones