Binisita ni US President Barack Obama ang Bataclan theatre na pinangyarihan ng Paris Attack.
Ito ay kasabay ng pagdating ni Obama sa Paris para sa idaraos na UN Climate Change Summit.
Nag-alay ng puting rosas si Obama sa lugar na pinangyarihan ng krimen kasama sina French President Francois Holland at Paris Mayor Anne Hidalgo.
Matatandaang sinasabing ang Islamic state militants ang nasa likod ng naturang pag-atake na ikinasawi ng 130 katao.
By: Ralph Obina