Bukas si Pangulong Noynoy Aquino na tumulong sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.
Ito’y kahit na isa na siyang Private Citizen o kahit matapos na ang kanyang termino sa June 30.
Sa kanyang talumpati sa book launching na inorganisa ng mga negosyador ng gobyerno at MILF sa malacañang, sinabi ng Pangulong Aquino na hindi magtatapos sa June 30 ang kanyang pagtulong sa Peace Process, dahil wala aniya siyang hinangad kundi ang makalaya ang Mindanao sa tanikala ng giyera at karahasan.
Nauna nang inihayag ng Pangulo na umaasa siyang hindi matutuldukan ang nasimulang pagsulong ng Peace Process sa kanyang administrasyon, sa kabila ng planong Federalismo na nais ipatupad ng susunod na administrasyon.
By: Meann Tanbio