Nagpaliwanag na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagkakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency bilang pangunahing ahensya na tututok sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagtatalaga sa P.D.E.A. ang kanyang nakikitang paraan upang kahit paano ay mabawasan ang bilang ng namamatay sa war on drugs ng gobyerno at matigil o manahimik ang kritko ng madugong kampanya.
Hindi naman anya kaila sa lahat na walang masyadong namamatay kapag P.D.E.A. ang nagsasagawa ng anti-drug operations.