Tumutulong na ang special forces ng Amerika sa ating pamahalaan para tugisin at pulbusin ang puwersa ng Maute group sa Marawi City.
Batay sa ipinalabas na pahayag ng U.S. embassy sa Maynila, sinabi nito na humingi ng tulong sa kanila ang pamahalaan para sa mabilis na pagsugpo sa nasabing grupo.
Tumanggi naman ang embahada na magbigay pa ng kaukulang detalye hinggil sa kung anong klaseng tulong ang kanilang ipinagkaloob sa tropa ng pamahalaan.
Kinumpirma naman ito ni Lt/Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st infantry division ng army ngunit sinabi nito na hanggang tactical support lamang ang ibinibigay ng U.S. troops at hindi sila kasama sa aktwal na combat operations.
By Jaymark Dagala
Presensya ng Amerika sa pagsugpo sa Maute group kinumpirma ng AFP was last modified: June 11th, 2017 by DWIZ 882