Kinuwestyon ni Congresswoman Loren Legarda ang patuloy na pagpasok ng mga Chinese vessels sa Semirara Island sa Caluya Antique sa gitna ng ipina-iiral na lockdown sa lugar.
Ayon kay Legarda, batay sa nakuha nyang impormasyon, umaabot na sa 7 Chinese vessels ang na inspeksyon ng Bureau of Quarantine, Bureau of Customs, at Bureau of Immigration sa Semirara Island mula nuong Marso 5.
Sinasabing ang Chinese vessels ay sumusundo sa ine-export na coal ng Semirara Mining and Power Corporation (SMPC).
Kinuwestyon ni Legarda ang patuloy na coal exportation ng SMPC gayung hindi ito itinuturing na essential industry.
Pinagpapaliwanag ni Legarda ang SMPC kung ano ang naging legal na basehan nila sa pagpapatuloy ng coal exportation at kung wala silang nilalabag na batas sa umiiral na restrictions sa ilalim ng lockdown.