Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP na namataan ang presensya ng ilang Chinese vessel sa loob mismo ng territorial waters ng Pilipinas.
Sa report ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence, Major General Felimon Santos Jr. sa House Committee on National Defense, nanatili ng siyam (9) na araw ang barkong Xiang Yang Hong 03 sa hilagang kanlurang-bahagi ng Vigan City, Ilocos Sur.
Labing-siyam (19) na araw namang nanatili ang Xiang Yang Hong 06 sa Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar hanggang sa mamonitor ito ng militar habang namataan sa Mindoro ang Chinese vessel na Jiangkai na tila bumubuntot sa isang US naval ship.
Hindi na anya biro ang presensya ng mga nasabing Chinese vessel lalo’t sa mismong teritoryo na ng Pilipinas namataan ang mga ito.
By Drew Nacino
Presensya ng Chinese vessels sa loob ng PH territory kinumpirma was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882