Dalawa hanggang tatlong barangay na lamang sa Marawi City ang may presensya ng Maute terror group.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, katumbas ito ng kulang-kulang isang kilometro kwadrado.
Pero kahit ganito na lamang kaliit, hindi pa rin aniya magiging madali ang pagkubkob ng militar lalo’t nasa loob pa rin nito ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatlong daang (300) sibilyan na naiipit sa kaguluhan.
Sa tansya ni Padilla, nasa limampu (50) na lamang ang mga natitirang terorista sa loob ng Marawi at hindi bababa sa limang daang (500) kabahayan ang hindi pa napapasok ng militar.
- Meann Tanbio | Story from Jonathan Andal