Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y presensya ng Mexican “Sinaloa” drug cartel sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang, nanindigan naman si Duterte sa kanyang kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad.
Ayon sa Punong Ehekutibo, walang puwang sa bansa ang Sinaloa cartel, ang itinuturing na pinakamalaki at pinakamakapangyarihang organisasyon ng drug trafficking sa hilaga.
Giit ng Pangulong Duterte, nakapagpupuslit umano ng iligal na droga sa bansa ang Sinaloa cartel sa pamamagitan ng transshipment.
By Jelbert Perdez