Ikina-alarma ng National Task Force for the West Philippine Sea ang naging presensya ng mga Chinese Maritime Militia Ships na nasa bahagi ng ayungin shoal na sakop ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Matatandaang tatlong bangka ang patungong BRP Sierra Madre para magdala ng supplies at pagkain para sa mga sundalong nakatalaga sa nasabing lugar nang harangin sila ng mga dambuhalang barko ng China kung saan, dalawa sa mga barko ang naitaboy ng mga Chinese Coast Guard gamit ang water canon.
Ayon kay Task Force Co-Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hindi pangkaraniwan ang dami ng mga barko ng Tsina sa naturang karagatan.
Bukod pa dito, masyadong agresibo ang mga Chinese Coast Guard sa pagtataboy sa mga sasakyang pandagat ng mga pinoy.
Sa ngayon, tinutugunan na ng pamahalaan ang naganap na pamomomba ng mga Chinese Coast Guard. —sa panulat ni Angelica Doctolero