Pinabeberipika na ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang ulat na pinalibutan umano ng mahigit 200 Chinese maritime militia vessel ang Pag-asa Island na okupado ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.
Aminado si Zhao na sa kanyang pagkaka-alam ay mga mangingisdang Tsino ang naka-himpil sa paligid ng Pag-asa pero hindi niya matiyak kung nagdeploy o hindi ang China ng mga militia vessel.
Bagaman “disputed area” ang bahagi ng Pag-asa, nireresolba na anya nila ang issue sa pamamagitan ng diplomatic channels kaya’t walang dapat ipangamba ang mga Pilipino kung mayroong sisiklab na kaguluhan.
Kampante naman ang embahador na sakaling totoo ang ulat ay maayos itong mareresolba ng Pilipinas at Tsina.
—-