Mananatili pa rin ang presensiya ng militar sa Marawi City 3 taon matapos ang naging pag atake dito ng Maute ISIS group.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, mananatili ang kanyang desisyon na magkaroon ng military camp sa loob ng syudad upang labanan ang anomang banta ng terorismo.
Aniya, kapag mapayapa na sa lugar ay ito palamang ang panahon na aalisin ang mga sundalo sa lugar.
Samantala, binigyan ng pangulo ng direct line si Marawi rehabilitation czar Eduardo Del Rosario sa Department of Budget and Management (DBM) para mapabilis ang reconstruction efforts sa nasabing syudad.